Sunday, October 26, 2008

Jocelyn "Joc-Joc" Bolante pipilitin maging Singer pag-uwi

Uy...Uy! Si pareng Jocelyn "Joc-Joc" Bolante uuwi na raw next week matapos mapiste sa tate. Sabi ng mga nakadikit sa kanya, marami nagkakainteres para siya maging singer. Singer? Oo singer, para ikanta na nya kung saan napunta yung pera ng bayan ng kinurakot niya sa pamamagitan ng Fertilizer Fund (Scam) at para mapiga sya ng mga oposisyon kung sino ang mga nakinabang ng pera na yan.

Di ba nga sabi nila napunta ang pera sa kampanya ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004. Nag pahiwatig din ang kampo ni pareng Joc-Joc na kinakabahan daw sa kanyang pag-uwi.

Kakabahan? Wala namang nakakasuhan at nakukulong basta may kaugnayan ka kay Madam. Lahat ng kasong ng katiwalian na nakadikit sa unang pamilya ay sadyang binabasura at pinagtatakpan. Kawawa talaga ang bayan.........

Magandang isyu rin ito para sa mga politikong hahabol bilang Presidente sa 2010. Sana maging tuloy-tuloy ito at hindi lang pampapogi. Sana din makunsensya naman ang mga taong may kaugnayan sa kontrobersiyang ito.


Related Posts by Categories



blog comments powered by Disqus
Blog Widget by LinkWithin

Labels


MyBlogLog

About This Blog

http://pointko.blogspot.com

  © Blogger template 'Neuronic' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP