Thursday, November 20, 2008

Dasal ng kasakiman ng mga kaalyado

Dasal...Dasal...Dasal, na nagamit sa mga pansariling ambisyon. Hanggang ngayon pinaguusapan pa rin ang kontrobersyal at mapanuksong dasal ni Press Secretary Jesus Dureza. Lumabas sa sariling bibig ang katotohanan at ang interes ng mga namumuno.

Ito'y isang panalangin ng kahilingan KASAKIMAN sa kapangyarihan para sa kanyang among pinaglilingkuran at pang sarili. Ang sabi ni Sec. Dureza ito'y isang biro. Kung ito'y isang biro, wala siyang galang sa panalangin sa Panginoon Maykapal at sa madaling salita pinaglalaruan niya ang pagkasagrado ng isang dasal.

Marami nang nagsasabi na ang pangyayari na ito ay isang palabas lamang (scripted) para matimbang nila kung papalag ang taong bayan sa ideya na mas mahabang panunungkulan ni President Gloria Macapagal Arroyo na lalagpas sa 2010.

May balitang na may gumagalaw na naman sa mababang kapulungan sa pagsulong ng “The ChaCha express".

Mabuti nalang kahit pabor ang bagong upong Presidente ng Senado na si Sen. Juan Ponce Enrile sa Cha-cha, ang karamihan sa mga Senador ay tutol pa rin sa "Charter Change" lalo na kung papalawakin ang termino ng Pangulo Arroyo.

Ang pagnanais ng No election at Charter Change ay tanda ng pagbabaliwala at tahasang pambabastos sa demokratikong sistema.


Related Posts by Categories



blog comments powered by Disqus
Blog Widget by LinkWithin

Labels


MyBlogLog

About This Blog

http://pointko.blogspot.com

  © Blogger template 'Neuronic' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP