Tuesday, October 28, 2008

Pasakit sa dagdag presyo ng MERALCO

Nagtatanong na naman si Juan Dela Cruz kung ano ba talaga ang nangyayari? Ang presyo ng langis ay bumubulusok pababa pero kabaligtaran naman ito sa preyo ng kuryente (MERALCO) lalo pang siyan tumataas.

Talaga namang kaduda-duda di ba? Ang dapat na nagbabantay at umaalalay sa atin na gaya ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ang trabaho ay tingnan kung nagoovercharge ang mga poducer at distributor ng power industry ay siya pa ang nag approved ng dagdag presyo ng MERALCO.

Parang moro-moro ang labanan. Nag utos ang ERC ng mag refund and Meralco ng P3.9 billion mula sa pondo ng meter deposit pero papayagan naman silang magtaas. Parang black mail na pabor sa Meralco. Bakit ka nyo? Tumubo at nagamit na ng Meralco yung pondo ng meter deposit kaya yung isosoli nila ay pera din ng bayan.

Di naman kaya nag papapogi si ERC head Albano, sa dahilan malapit na siyang magretiro. Baka naghihintay siya ng going away gift mula sa MERALCO.


Related Posts by Categories



blog comments powered by Disqus
Blog Widget by LinkWithin

Labels


MyBlogLog

About This Blog

http://pointko.blogspot.com

  © Blogger template 'Neuronic' by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP